Bakit dapat makipag-holding hands sa minamahal?
1-Nagkakaroon ng feeling of security ang isa’t isa. ‘Di ba’t noong bata tayo ay gusto nating inaakay tayo ng ating magulang kapag naglalakad sa kalye. Ang paghawak nila sa ating kamay ay nagbibigay ng pakiramdam na ligtas tayo sa lahat ng panganib.
2-Ang paghahawak kamay sa harap ng publiko ay nagbibigay ng senyales sa ibang tao na kayo ay maligaya at kuntento sa isa’t isa.
3-Nagbibigay ito ng pakiramdam na magkatulong ninyong lalabanan ang anumang problemang dumating sa inyong buhay.
4-Napatunayan sa mga scientific studies na ang paghawak sa kamay ng minamahal ay nagpapakalma at nakababawas ng stress.
5-Nakapagpapababa ng blood pressure sa mga may alta presyon. Lumalabas ang feel-good hormones kapag ang isang parte ng ating katawan ay nahahawakan ng ating minamahal.
6-Kapag magkahawak ng kamay, hindi kayo magkakalayo, literally, sa mga siksikang lugar.
“When you hold my hand I’m reminded that I’m not alone in this world, that somebody loves me, and that I have a best friend.” -- Darlene Schacht
- Latest