Checklists ng Buhay
Kung nagmumuni bago matapos ang 2015 at nag-iisip ng kung anong puwedeng checklist na ilalagay para sa susunod na journey sa darating na taon.
May dalawang tips na dapat i-prioritize sa mga susunod na kabanata ng buhay sa darating na 2016:
Meditation – Panay ang invest sa material na bagay na hindi naman madadala sa hukay. Sabi nga ‘di lang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa Salita ng Dios. Magkaroon ng quite time at manalangin. Unahin ang magbasa ng Bible at humingi ng wisdom para magkaroon ng good vibes mula sa trabaho hanggang pag-uwi ng bahay.
Pamilya – Ngayon pa lang ay silipin na ang mga holidays sa buong taon ng 2016 kung saan puwedeng magbakasyon ang pamilya. Huwag puro trabaho, dahil baka nga ‘di ka na kilala ng pamilya mo. Ang worst ay hindi mo na kilala ang lumalaki mong mga anak. ‘Wag din hintayin na kung kailan may alzemier o dimentia na si tatay o nanay ay saka magsisisi dahil hindi na sila makakausap o makakuwentuhan ng matino dahil hindi na sila maka-connect sa mga sinasabi mo.
Maraming tao na hindi inuuna ang sarili at pamilya, dahil priority ang trabaho, pera, o ibang bagay. Hindi naman masama, pero ang totoong kayaman ay ang pamilya at paglago ng sarili na mahahanap ang tunay na happiness sa buhay.
- Latest