Cleaning Tips sa mga Walang Katulong
(Last Part)
7-Kung magluluto, maglagay ng plastic bag sa katabi mo para isu-shoot mo na lang ang mga basura. Hindi mo na kailangang magwalis at magligpit ng kalat mula sa binalatang mga gulay.
8- Kung take-out meals ang kakainin, sa mismong box kumain para iwas-hugas ng pinggan.
9- Habang nagpapalambot ng karne, labhan ang mga damit sa washing machine. Bago lumambot ang karne, ang 50 percent ng iyong labahin ay nakasampay at pinatutuyo na sa ilalim ng araw.
10- I-divide mo ang iyong bahay sa iba’t ibang zones. Halimbawa: toilet zone; salas zone, kusina zone, dining room zone. Habang nanonood ng TV...tuwing commercial, sikaping linisin ang isang zone.
11- O, kaya, habang nanonood ng teleserye, saka isingit ang paglilinis ng electric fan.
- Latest