Mag-invest sa Sarili
Huwag sasabak sa anumang giyera na walang dalang bala.
Sa pinaplanong negosyo o anong gagawin sa darating na taon, mabuting mag-invest sa sarili. Kung kinakailangan mag-aral ay huwag mag-atubiling mag-enroll.
Hindi pa huli ang lahat para bumalik sa eskuwela para ma-equip at ma-update ang sarili sa mahigpit na labanan ngayon. Bumili ng libro, magbasa, o mag-surf sa website at aralin ang lahat ng function at skills para maunawan ang papasuking business. Makatutulong ang mga workshop, seminar, at training courses para ma-master ang mga proseso ng pag-aaral.
Walang katapusan ang pag-aaral at pagkakatuto para ma-improve ang sarili; para maging effective sa hinaharap na pangarap.
- Latest