^

Para Malibang

Kailangan pa ba ang Paputok Tuwing Bagong Taon?

Pang-masa

Naku, sa panahon ngayon hindi na dapat nagpapaputok ang mga tao tuwing Bagong Taon. Mas ok pa kung magpailaw na lang. Mga lusis, fountain at fireworks display. ‘Yung mga maiingay at delikadong paputok ay hindi na dapat pinapayagan ng ating gobyerno. Sa totoo lang, ang dami-daming nasisira ang buhay (napuputulan ng daliri/kamay, namamatay) dahil lang sa mga paputok na ‘yan. - Niccolo, Abra

Nakaugalian na nating mga Pinoy ang pagpapa­putok tuwing Bagong Taon. Kaya pabor ako sa mga paputok. At saka, parang hindi kumpleto ang Bagong Taon kung wala ang mga sinturon ni hudas, kwitis, bawang at kung anu-ano pa. Bonding na rin ito ng mga Pinoy lalo na ng mga kalalakihan. - John Ray, Montalban

Kung ako ang tatanungin, mas magandang ipambili na lang ng pagkain ang ipambibili ng mga paputok. ‘Di lang mahal, grabe pa ang nai­dudulot ng mga paputok sa mga tao ‘no? Marami kayang inosente ang nadadamay sa ibang walang disiplina sa pagpapa­putok. Dapat nga i-ban na ang pagpapaputok eh. Para na rin sa kaligtasan ng lahat. - Syrone, Quezon City

Sabi ng mga Chinese, pantanggal daw ng malas at pantaboy sa masasamang ele­mento ang pagpapapu­tok. Kaya wala akong nakikitang masama kung magpaputok man tuwing Bagong Taon. Dapat lang siguro maging maingat ang mga tao sa paggamit nito para walang ibang madadamay sakaling magkaaksidente. - Raymond, Marinduque

Ano nga ba ang nakukuha ng mga tao sa pagpapaputok tuwing Bagong Taon? Kahit ako hindi ko rin maintindihan ang mga tao eh.

Bukod sa maitim na usok, eh ang ingay ingay pa ng mga ito. Nakakainis kaya.

Kung gustong mag-ingay ng iba, magtorotot na lang sila o kaya magbusina ng sasakyan. Kaloka! - Batsy, Cavite

ACIRC

ALIGN

ANG

BAGONG TAON

DAPAT

JOHN RAY

KAYA

LANG

MGA

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with