Ang Tunay na Ipinanganak sa Sabsaban
Sa history ng buong mundo walang pinakamalakas ang impact, kundi ang pagdating Panginoong Hesus. Pero marami pa rin ang hindi nakakaiintindi kung sino talaga Siya?
Ang iba ang alam lang ay ipinanganak Siya sa sabsaban sa bayan ng Bethlehem, pero ang totoo bago pa gawin ang mundo ay nag-i-exist na si Jesus. Si Hesus ay bugtong na Anak ng Panginoon, na walang simula at katapusan. Ang kapanganakan Niya sa Bethlehem ay pisikal na anyo sa pagpasok sa mundo.
Si Jesus ang pinakahihintay na Messiah, na sugo ng Panginoon para maisakatuparan ang misyon ng Dios Ama sa langit. Tanging si Hesus lang ang nag-iisang daan papunta sa Dios Ama.
Kahit sino ay kailangan maunawaan ang Kanyang kapanganakan, buhay, at ministeryo sa lupa na naitala sa Bibliya.
Ang simpling kaalaman lang patungkol kay Jesus ay ‘di sapat. Kapag nakarinig at tinanggihan ang katotohanan, ito ay sign ng spiritual death sa harap ng Panginoon. Pero ang sinuman na mananampalataya kay Kristo at tanggapin Siya ay may buhay na walang hanggan.
- Latest