Island of the Undead 164
NAAANINAG nina Miley at Lorenz ang napakalapad na korte sa ibaba ng tubig.
“Lorenz, tama ba ang nakikita ko? Parang may sasakyang dagat sa itaas natin?”
“I think so.”
Mga senyas lamang ang paraan nina Miley and Lorenz para maipaabot ang mga mensaheng ito sa isa’t isa.
Hinila ni Lorenz paitaas si Miley.
“Lorenz!”
“Miley!”
Nagyakap sila nang makarating na sa ibabaw ng tubig.
“Kung hindi pa natin naaninag ito, hindi natin malalaman na malapit na pala ang surface ng water.”
“Oo nga. Pero kung wala ang malakas na liwanag ng araw, hindi rin makikita ang pormang ito.”
“Hindi nga siya sasakyang-dagat ... pero isang napakalapad na kahoy na puwede nating sakyan o kapitan. This was sent to save us, Miley.”
“At sino pa nga ba ang magliligtas sa atin kundi ang nasa itaas?”
“Miley, let’s just sit on this. At hayaan nating ianod siya ng tubig. I’m sure, sa ganitong init ng araw na tatagos sa ilalim, makikita rin ng mga kasamahan natin ang kahoy na ito mula sa ilalim. At magiging gabay sa kanila palutang sa itaas.”
“Tama ka, Lorenz! Let’s do it!”
SI REYNA COREANA/REYNA MILEY ay parang wala nang buhay na nakalutang sa ilalim ng dagat. Pero para bang hindi pa sapat ang kapalaran niyang ito.
May sumusunod sa kanya.
Isang napakalaking pating.
Nang mapatapat na sa bibig ng pating ang katawan ng masamang reyna, ang mga matutulis na ngipin ay sumagpang sa kabuuhan ni Reyna Miley.
Hindi siya nilamon nang buo.
Pinagpira-piraso muna siya. Saka nilunok.
ANG buong isla ay hindi pa rin lumutang. Natatakpan pa rin ng tubig-dagat na sumalpok at sumakop dito.
Kung pagmamasdan, wala na ang island of the undead. Nilamon na ng dagat.
Sa itaas, sa may ulap, isang maliit na eroplano ang nagsu-survey sa lugar. Nakita nila ang tsunami at kung paano nawala ang island of the undead.- APAT NA LABAS NA LANG
- Latest