^

Para Malibang

Limang Segundong Magic sa Pagpiprito ng Pagkain

Pang-masa

Fried chicken, piniritong isda, pork chops at kung anu-ano pang nilulublob sa kumukulong matika. Isa ‘yan sa mga paboritong kainin nating mga Pinoy. Isang dahilan na rin marahil ay ito ang pinakamadali at mabilis na paraan ng pagluluto.

Solb na tayo sa mga pini­ritong kung anu na kapares ang ketchup, toyo’t suka na may sili, suka, o atsara. Simpleng-simple lang pero masarap.

Pero kahit gaano kasimple ang pagpiprito ay may iba pa ring hirap dito. Minsan hirap pa rin ang iba dahil sa tumatalsik na mantika, nagdidikit-dikit na niluluto, at ang masaklap ang pagdikit nito sa kawa­ling pinaglulutuan.

Limang segundo lang ang katapat at siguradong hindi na kayo madidikitan sa kawali at masusunugan ng pagkain.

Siguruhin munang mainit na ang mantika bago magsimulang magprito. Gumamit ng mahabang tongs at ilublob ng bahag­ya ang lulutuing pagkain. Magbilang ng limang segundo bago tuluyan itong bitawan. Sa pamamagitan nito, maseselyado ang labas ng ipiniprito at mapipigilan ang pagdikit nito sa kawali at iba pang lulutin.

Sa susunod na magpiprito kayo, subukan ang 5 segundong magic at siguradong perpekto na ang inyong ipiprito! Burp!

ACIRC

ANG

GUMAMIT

ISA

ISANG

LIMANG

MAGBILANG

MINSAN

PERO

PINOY

SIGURUHIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with