Passion sa Buhay
Paano nga ba idiskubre ang passion sa buhay? Kapag maliwanag na inalam kung ano ang passion ay saka maibubuhos ang energy para rito.
Masasagot ng passion ang tanong na sino ba ako at ano ba ang kaya kong gawin? Tanungin din ang sarili anong libro, palabas, art, at music ang nagbibigay ng drive sa iyo? Sino, ano, ang nag-i-inspire at bakit? Ano ba ang katangian kaya feeling great sa sarili? Anong madalas na aktibidad na gustong gawin? Bakit ito ginagawa? Ano ba ang benepisyo nito sa iba at anong kasiyahan ang nakukuha rito? Gaano ito kahalaga bakit mas nakapokus ang atenisyon at oras dito? Anong dapat na gawin para ma-level up ang gustong gawin? Halimbawa ng mga nasabing tanong na magdadala sa iyo ng hinahanap na passion.
Kapag nahanapan ng sagot sa mga nasabing tanong na negatibo at wala naman kapakinabangan din sa ibang tao, huminto muna at magkaroon ng pagkakataon na timbangin ang sarili na baka puwede maayos pa at ma-inspire muli. O baka may iba pang talent o skills na mas magandang i-develop na hindi nasasayang ang oras at nagbibigay ng mas fulfilling na pakiramdam.
- Latest