Paano Makakamtan ang Study Luck?
Northeast sector ng bahay, kuwarto o study room ang inyong bubuhayin upang suwertehin sa pag-aaral ang mga estudyante. Paano?
Gumamit ng light yellow or dark brown sa furniture, cushion, paint or wall paper, kurtina sa nabanggit na sector. Magdispley din ng alinman sa mga sumusunod: world map, globe, at larawan ng bundok. Magdispley din ng totoong malalaking shell.
Gumamit ng crystal chandelier sa northeast sector. Kung imposible, simpleng bombilya na may maliwanag na ilaw.
Magdispley ng larawan ng taong nakilala sa mundo dahil sa pagiging matalino. Ngunit huwag pipili ng genius na malungkot ang naging wakas ng kanyang buhay. Halimbawa’y huwag mong pipiliin ang larawan ni Jose Rizal. Bakit? Matalino siya pero nasentensiyahan naman siya ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad. Kumbaga, may nakatagong negative energy sa kanyang buhay. Ang kailangan mo’y genius na walang nangyaring trahedya sa kanyang buhay. Isang magandang halimbawa ay si Albert Einstein.
Kapag nagre-review at sa mismong oras ng exam, hawakan mo ang quartz crystal (nasa larawan) sa iyong kaliwang kamay. Kapag may hindi masagutan sa test questions dahil nakalimutan, himasin mo lang ang quartz crystal ng iyong hinlalaki at hintuturo. Magugulat ka, bigla mong maaalala ang tamang sagot. Hindi ito applicable sa mga hindi nag-review bago mag-exam. Bago gamitin ang quartz crystal, ibabad muna ito sa tubig na may asin sa loob ng 7 araw at 7 gabi. Ibilad sa sikat ng araw hanggang matuyo.
- Latest