^

Para Malibang

Kababaihan sa Cameroon hindi nakikipag-eye-contact

Pang-masa

Ang bansang Cameroon na matatagpuan sa Kanlurang Africa ay binubuo ng iba’t ibang ethnic groups. Kaya ang Cameroonian greeting ay nag-iiba sa bahaging Francophone at Anglophone areas ng bansa.

Sa parehong parte ay nakikipagkamay ang mga kalalakihan.

Sa Timog Francophone, ang mga malalapit na magkaibigan ay maaaring magyakapan habang nakikipagbeso at hahalik sa hangin kasabay ang pakikipagkamay.

Sa Hilagang Anglophone naman, may kakaibang handshake ang mga malalapit na magkakaibigan. Pagkatapos kasi ng handshake ay hahawakan ng isang lalaki ang gitnang daliri ng isa gamit ang kanyang hinlalaki.

Bilang pagbibigay respeto naman ng mga kala­lakihan sa mas nakatatanda o superior sa posisyon, iniiwasan nilang tumingin sa mga mata at yumuyuko sila.

Samantala, ang ibang mga Muslim naman ay hindi nagkikipagkamay sa opposite gender.

At dahil nga isang hierarchical society ang Came­roon, ang mas nakatatanda muna ang unang binabati.

Ang mga kababaihan naman ay hindi nakikipag-eye contact kahit pa sa ibang babae.

Hindi rin minamadali ang pakikipag-usap sa ibang tao. Importanteng tanungin muna ang tungkol sa pamilya ng kausap ma­ging ang general interest sa unang pagbati.

ACIRC

ANG

ANGLOPHONE

BILANG

IMPORTANTENG

KAYA

MGA

PAGKATAPOS

SA HILAGANG ANGLOPHONE

SA TIMOG FRANCOPHONE

SAMANTALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with