Fried Dumplings ng Dragon Noodle Center kakaiba ang sarap!
Kung authentic Chinese restaurant ang hanap n’yo sa Maynila, hinding-hindi kayo magkakamali sa Dragon Noodle Center na matatagpuan sa Del Pilar st., Malate. Bukod sa noodles na sarili nilang gawa at congee na talaga namang siksik sa sahog at panlasa ay marami pa silang ibang ino-offer.
Una itong nagpahanga ng mga customer sa Banawe noong 1977 hanggang lumipat sila sa Ermita. Kilala ang Dragon Noodle Center sa kanilang masarap na congee (lugaw) dahil sa pino at matagal napakuluan ang bigas na ginamit. Kilala rin sila sa freshly-made egg noodles nila na binabalik-balikan ng kanilang loyal customers.
Bukod sa noodles at congee, natikman din ng inyong lingkod ang kanilang fried dumplings. Nagkakahalaga ng P145 ang isang order nito na may anim na pirasong malalaking fried dumplings. May sweet chili sauce itong kasama na parang kalasa ng matamis na sawsawan ng kikiam.
Deep-fried ang dumplings kaya medyo mamantika ito. Ang pinak-dumpling wrapper ay hindi basta binili lang dahil may timpla ito at malasa. Kakaiba ito sa mga natikman ng inyong lingkod. Kahit wrapper nga lang ang isawsaw sa kanilang special sauce ay solb ka na. Ang karne naman sa loob ay parang sa lumpiang shanghai na giniling na baboy at may sibuyas, carrots, at herbs.
Masarap ang kombinasyon ng dumpling sa matamis na sawsawan. Solb ka sa isang order kung mahilig ka sa dumplings at ito lang ang kakainin. Pero good for sharing ito kung pang-side dish mo lang dahil nga may kalakihan naman ang kada piraso nito.
Para sa authentic Chinese experience, subukan n’yo sa Dragon Noodle Center. Palung-palo at kakaiba ang kanilang fried dumplings. Burp na buuuuuurp!
* * *
Para sa mga katanungan at suhestiyon maaaring mag-email sa [email protected].
- Latest