Island of the Undead 158
Si MILEY naman ang bihag ngayon ng mga undead soldiers, nailabas sa chamber at iginapos sa labas ng kuta nina Reyna Coreana.
Ang imahe, nang mawala si Miley at ang pagdadasal nito ay unti-unting nagkakaroon uli ng mga braso at kamay at naayos ang napisak na mata.
Ganoon din si Reyna Coreana/Reyna Miley.
Nagawa niyang kalagan ang sarili.
“Hahahahaaa! Ngayon, kayo naman ang kawawa sa akin!” At bumato ng puwersa ng kapangyarihan si Reyna Coreana/Reyna Miley, patungo sa mga tauhan ni Lorenz.
Bumuga ng apoy ang kanyang mga kamay, tumama sa mga tauhan ni Lorenz, napaso ang mga ito.
Nagtakbuhan.
SI LORENZ na malaki na ang hinalang nasa panganib si Miley ay hindi pa nakakarating sa kuta nina Reyna Coreana. Patuloy na tumatakbo.
AT SI Miley ay wala pa ring malay habang nakagapos sa isang malaking puno.
“Papatayin na ba natin?” Tanong ng isang undead soldier na kanang kamay ng reyna.
“Nasa iyo ang utos. Ikaw ang pinagkakatiwalaan ng reyna kapag wala siya.” Sagot naman ng isa pa.
“Siguradong makakabalik dito ng ligtas ang ating reyna. Hintayin na lang natin siya.”
NAUNANG nakarating si Lorenz sa kuta. Agad niyang nakitang nakagapos si Miley, halatang walang malay.
Hindi na nag-isip si Lorenz, agad sumugod. Dahil may dalang mga pisat na halaman, pinagbabasa niya ang mga undead soldiers at sumabog din ang bango ng dala niyang sandata.
Ilan lang ang nahilo, hindi sapat ang bango ng mga tanim para marami ang maaapektuhan.
Karamihan ay lumaban kay Lorenz. Magiting na hinarap ito ng binata. Handang mamatay mailigtas lang ang matapang na dalaga.
Nagdadasal naman si Lorenz habang lumalaban. Nakakatulong ito kahit papaano.
Hindi siya basta naigugupo kahit napakarami ng kalaban.a
SI Reyna Coreana ay paniwala nang halos lahat na kapangyarihan ay kaya na naman niyang paganahin. Gagawa na namang siya ng mga higanteng undead soldiers.
ITUTULOY
- Latest