Kapalaran sa Pinansiyal
Birthdate 1, 19, 28
Karaniwan sa mga taong uno ay nade-delay ang pagkakaroon ng financial stability. Gumaganda ang kanyang kabuhayan pagsapit sa kanyang ika-37 taon pataas. Ang pera ay nagmumula sa kanilang talino.
2, 11, 20, 29
Sila ‘yung mga “lazy type”—takot sa mabibigat na trabaho. Kulang sa focus ang mga taong 2. Hirap na hirap silang mag-concentrate sa kanilang trabaho. Nagiging maluwag ang kabuhayan paglampas sa edad na 38. Sila ang madalas nakakapag-asawa ng mayaman.
3, 12, 21, 30
Masuwerte sa pera dahil masikap at masipag. Nagiging masuwerte sa negosyo pero walang suwerte sa pagpapautang. Pagpapautang ng pera ang huwag na huwag niyang gagawin dahil ito ang magpapabagsak ng kanyang kabuhayan.
4, 13, 22, 31
Ang pag-unlad ng kabuhayan ay nagsisimula sa edad na 40. “Sudden and unexpected” ang pagdating ng pera sa buhay ng taong 4. Hindi masuwerteng makipagsosyo sa negosyo. Mas magtatagumpay ang taong 4 kung nag-iisa lang siya.
5, 14, 23
Masuwerte sa pera ang mga taong 5. Kahit anong business ay kaya niyang mapalago pero mabilis maimpluwensiyahan ng ibang tao. Mahina ang pakiramdam dahil kung kailan bagsak na ang kabuhayan ay saka lang maiisip na nagkamali siya ng mga taong pinagkatiwalaan. (Itutuloy)
- Latest