10 Fengshui Tips (2)
3—Tips para mabilis mabenta ang isang bahay (owner ka man o ahente):
Kailangang kumuha ka ng mga bagay mula sa ibinebentang bahay na magsisimbolo ng 5 elements: Earth, Metal, Wood, Fire, Water.
Kumuha ng kaunting lupa mula sa garden o maliit na piraso ng tiles mula sa sahig ng bahay. Ito ang simbolo ng earth.
Maghanap ng metal object galing sa bahay, halimbawa, pako, screw, lumang door knob, susi, etc.
Kumuha ng kapirasong kahoy mula sa furniture o anumang gamit na yari sa kahoy. Ito ang simbolo ng wood.
Maghanap ng holen, o anumang maliit na gamit na yari sa glass. Water ang sinisimbolo ng mga ito.
Balutin ang naipong apat na bagay at ibalot sa red paper or red cloth. Simbolo ito ng Fire.
Bumuo ng pyramid na yari sa puting carton. Dito isilid ang mga bagay na sumisimbolo ng five elements. Itago sa loob ng bahay na hindi mapapakialaman ninuman. Asahan mong tataas ang tsansa na maibenta kaagad ang bahay sa magandang presyo. -Itutuloy
- Latest