Labanan ang Inggit sa Puso
Sa inaakalang maliit na pagkukumpara sa ibang tao ay nagdudulot ng kaguluhan sa isipan.Ang pagkainggit ay parang kalawang na gumagapang hanggang kumakalat na nakasisira ng pagkatao.
Ang kalituhan, anxiety, at bitterness na dumadaloy sa puso ay sumisira sa magandang plano sa buhay. Sa halip na nakapokus kung anong mayroong magandang katangian ay naliligaw ng landas sa maling pag-uugali at nakawawasak ng relasyon.
Kapag nagkakaroon ng pagkainggit sa ibang tao ay alisin ito; baguhin ang mindset at magpokus sa sariling buhay. Sa halip ay magpasalamat sa blessings ng ibang tao at ibaling ang atensyon na nakadesenyo sa iyong kapalaran, at labanan ang inggit sa puso.
- Latest