Inaabangan hanggang online
Dear Vanezza,
Ako po si Elsie na avid reader ng PM. Bumabati po ako ng ika-12th ng PM. Kasabay po ng PM ang anniversary naming mag-asawa na ngayon at may dalawa na kaming anak. Kahit po madalas na nasa barko ang mister ko bilang seaman ay hindi niya nakakalimutan na magbasa ng diyaryong PM sa online. Ang mga kuwento po sa inyong kolum ang nagpapaalala sa kanya na laging maging tapat sa amin bilang mag-asawa. Ayaw daw po niyang matulad sa ibang pamilya na hiwalay ang pagsasama. Maging ang aming dalawang anak ay natututo rin sa mga kapwa nilang estudyanteng letter sender ng iyong kolum. At least nalalaman din nila na dapat pahalagahan ang pag-aaral at laging maging mabuti at masunuring anak. Natutuwa rin po kami at nawiwili sa ibang istorya ng inyong mambabasa na humihingi ng payo. Nawa’y patuloy pang magtagumpay ang inyong pahayagan na maabot pa lalo ang mga mambabasang Pinoy, kahit saan dako ng mundo. More power po and God bless.
Dear Elsie,
Salamat sa iyong liham. Malaking bagay sa aking kolum na mayroong napupulot ang mambabasa. Higit sa lahat ay nagsisilbing inspirasyon sa mag-asawa, anak, kaibigan, readers, at sa buong pamilyang Pinoy. Katulad ng PM, nawa’y mas lalo pang tumatag ang inyong pagsasama bilang mag-asawa. Maging ang iyong dalawang anak ay sana lumaking katulad ninyo na pinapahalagahan ang pagbibigkis n’yo bilang mag-asawa at iisang pamilya.
Sa pagkakataong ito, bilang anibersaryo ng PM ay sasamatalahin ko ang magpasalamat sa mga readers na walang sawang pagtangkilik ng diyaryong PM. Lalo na sa mga humihingi ng payo, ibinabahagi ang kanilang kuwento at problema sa kolum na ito.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest