Super Suka (3)
6-Buhusan ng suka ang “unwanted grass” sa “walks” at “driveways”. Tuluyang mamamatay ang mga damo at hindi na ulit tutubo. Tingnan ang kasamang larawan.
7-Paano mapatatagal ang “freshness” ng bulaklak sa flower vase? Sa 4 cups na maligamgam na tubig, ihalo ang 2 tablespoon white vinegar + 3 tablespoon sugar. Ilagay sa flower vase. Kailangang ang vinegar mixture ay aabot hanggang 3 to 4 inches sa stem ng bulaklak. Doblehin ang recipe ng vinegar mixture kung kukulangin.
8-Basain ng suka ang basahan. Ito ang ipantanggal sa dumi na dumikit sa aquarium.
9-Mag-spray ng suka sa area na paboritong tulugan, kutkutin o lakaran ng mga pusa. Ayaw nila sa amoy ng suka.
10-Mabilis matatanggal ang mabahong amoy ng aso kung papahiran ng suka ang kanilang balahibo. Banlawan ng tubig.
11-May ugali ang mga manok na nagtutukaan sa isa’t isa. Ito ang paraan ng pambu-bully nila. May pagkakataong tinutuka ng manok ang balahibo ng kapwa manok hanggang sa mabunot ito. Upang maiwasan ito, haluan ng kaunting apple cider vinegar ang kanilang inumin.
- Latest