^

Para Malibang

Paano patawarin ang sarili?

Pang-masa

Minsan may mga bagay nagawa o nasabing mali na pinagsisihan sa bandang huli.

Nagkakaroon tuloy ng struggle na patawarin ang sarili lalo na kung nakasakit ng damdamin ng ibang tao. May mga  hakbang para mapatawad ang sarili:

Aminin: Bago mapatawad ang sarili, kaila­ngan maliwanagan muna kung ano ang nangyari.  Isulat ang mga detalye ng event at  pati na ang sari­ling action na nagpalala ng sitwasyon. Pigilin ang sarili na isisi pa sa ibang tao o sa ibang bagay ang nangyari. Magpokus lamang sa sarili. Maaaring ma­ging vulnerable at mapokus ang atensiyon sa kahinaan habang nag-iisip ng detalye. Gawin ito para mailabas ang nararamdaman, kaysa sa pinipigilan ang galit sa iyong dibdib.

Kapatawaran – Hindi madali ang humingi ng tawad. Ang simpleng paglapit sa taong nasaktan ay tanda na inaako ang pagkakamali at nagsisisi sa ma­ling nagawa. Akuin ang buong responsibilidad, aminin ito, at humingi ng kapatawaran sa kaibigan o mahal sa buhay na nagawan ng pagkakamali.

Self-forgiveness - Madalas nahihirapan tayo na patawarin ang sarili, kahit napatawad ka na ng iba. Dapat matutunan ang self-forgiveness kahit hindi ito agarang proseso. Huminga ng malalim na pa-in hale at exhale tuwing bumabalik ang negatibong  isyu sa isipan. Burahin ang negatibong bagay na nagpapaalala ng pagkakamali. Bigyan din ng act of kindness ang sarili na paraan para maka-let go na sa nangyari. Move on at tuloy ang buhay. Isang araw ‘di namamalayan ay tinatawanan mo na lang ang mga nangyari.

Positive – Masaklap man ang nangyari magpasa­lamat pa rin  dahil maraming natutunan sa pagkakamali. Magiging daan ang karanasan para maging wiser, stronger, at next time alam na agad ang posibleng kahihinatnan.

ACIRC

AKUIN

AMININ

ANG

BIGYAN

BURAHIN

DAPAT

GAWIN

HUMINGA

SARILI

STRONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with