^

Para Malibang

#Career or Family?

Pang-masa

Naging mabilis sa akin ang pagpapasya na iwanan ko ang aking career kahit patungo na ito sa pag-unlad. Ilang “tumb­ling” na lang at kaunti pang “hardwork” patungo na ako sa managerial position. Pero bakit mas pinili ko ang mag-resign at mag-full time sa pag-aalaga ng anak?

Bata pa lang, nakita­an ko nang signs na mata­talino ang aking mga anak. Sayang naman kung hindi maaalagaan. Íba ang alaga ng ina, mas nararamdaman…tumatalab. Ang ina, ramdam kaagad niya ang strength at weakness ng anak sa mga subjects nito. Kaya nakakaisip agad siya ng strategy kung paano magiging “easy” ang subject na pinoproblema ng anak.

Kahit hindi nagsusumbong, nababasa ko na agad sa kanilang kilos kung may problema sila sa school. Bago pa lumala ang problema, nasosolusyunan ko na ito sa pakikipag-usap sa opisyal ng eskuwelahan at sa mismong kaklase na ugat ng problema.

Nawalan ako ng isang magandang career pero marami akong natutuhan tungkol sa motherhood. Ang bata palang alaga sa suporta ng ina ay lumala­king may self-confident, mabait sa kanyang kapwa at hindi emosyunal. Nagiging well-rounded ang kanilang personalidad. Well, dumadaan din sila sa pag-aaway magkapatid pero maya-maya lang ay bati na.

Ngayong adult na sila, ako na ang madalas hu­mingi sa kanila ng opinyon kapag may personal akong problema na hindi ko malaman ang gagawin. At nagugulat ako, minsan, mas malawak pa ang perspektibo nila sa buhay kaysa akin. Hindi ako nagkamali sa aking desisyon.

ACIRC

ANG

ATILDE

BATA

ILANG

KAHIT

KAYA

NAGIGING

NAWALAN

NGAYONG

PERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with