Mabilis Kumbinsihin ang mga Pagod
1-Mabilis makumbinsi ng TV commercials ang televiewers na pagod na pagod.
2-Mas nakukumbinsi ng mga tao na masarap ang pagkain sa isang restaurant kung makikita nilang marami ditong kumakain kaysa ipinapakitang larawan ng masasarap nilang menu na nakadispley sa harapan ng restaurant.
3-Kung mamimigay ka ng pamphlets, gumamit ka ng BOLD, RED, or BLUE fonts para maka-attract ng atensiyon—kuhanin ang iniaabot mong pamphlets at pag-aksayan ng oras na basahin ito.
4-Kung gusto mong magmaldita sa isa ring malditang kausap, tingnan mo ang kanyang hairline habang siya ay nagsasalita. Istilo ‘yun para siya malito at masira ang diskarte sa pagsasalita.
5-Kung aatend ka ng meeting sa inyong office, tabihan mo ang taong alam mong inis sa iyo o nambabara sa iyo tuwing kayo ay may meeting. Hindi iyan masyadong makakaarangkada sa pambu-bully sa iyo dahil matatakot na mabigwasan mo agad-agad. Ang pagtabi mo sa kanya ay lilikha ng “takot” sa kanya. Pero handa ka rin dapat sa mangyayari.
- Latest