‘Wag ipilit ang sarili
Dear Vanezza,
May lihim po akong minamahal. Classmate ko po siya. Nung una ay crush ko lang siya, pero sa tinagal-tagal naming magkakilala at magkabarkada, na-develop ang feelings ko sa kanya. Noong unang makasama namin siya sa barkada mayroon siyang gf. Pero ang sabi niya noon sa akin, hindi naman niya talaga love yung girl. Hindi nagtagal, sinabi niya sa akin na wala na silang dalawa at ang talagang type niya ay ako. Sinubukan ko minsan na sabihin sa kanya ang niloloob ko, parang pabiro lang. Pero wala pa rin hanggang ngayon. Hindi kaya wala naman siya talagang gusto sa akin? Pilit kong inaalam kung ano ang problema. Wala akong makita. May hitsura naman ako. Mabait naman ako. Dapat ko na ba siyang kalimutan lalo na at tila lumalayo siya sa akin? Nahihirapan na po talaga ako. - Jaz
Dear Jaz,
Gaya nang nararamdaman mo, makabubuting maghanap ka na ng ibang guy na magbibigay sa iyo ng atensiyon. Baka sakaling kung sa iba na mabaling ang pansin mo, siya naman ang maghahabol sa iyo. Malimit, mayroong kalalakihan na ayaw na ang babae ang mismong gumagawa ng hakbang para magpahiwatig ng damdamin. Mayroong lalaki na gustong mayroong siyang “challenge” na nakikita. Huwag mo nang idikit ang iyong sarili sa kanya. Baka naiilang siya sa ganyang style. Kung talagang liligawan ka niya, liligaw siya nang hindi kailangang magbigay ka pa ng motibo. Baka sakaling magising ang natutulog niyang damdamin kung mayroon ka ng ibang binibigyan ng pansin.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest