Paano Tanggalin ang ‘Belly Fat?’
(Last Part)
Ito ‘yung taba sa tiyan at sa paligid ng beywang. Bukod sa sinisira nito ang ating pigura, ito ay maaaring pagmulan ng mas seryosong problema sa kalusugan: sakit sa puso, diabetes, insulin resistance, at cancer. Kaya hangga’t maaga, mainam na tunawin ito sa pamamagitan ng natural na paraan. Narito ang pagpipiliang paraan:
8-Sabi ng nutritionist na si Ann Louise Gittleman, Ph.D., author ng librong “The Fat Flush Plan”, huwag kumain ng mga nagpapahirap sa ating atay kagaya ng processed meat, lahat ng matatamis, caffeine, mamantikang pagkain, at softdrinks. Kapag hindi makapagtrabaho ang atay, humihina ang ating metabolism at ang resulta ay naiipon ang taba sa bilbil at baywang.
9-Kumain ng salmon at mackerel dalawang beses isang linggo. Mayaman ang mga nabanggit sa omega 3 fatty acid na tumutunaw ng belly fat.
10-Kainin ang kamatis nang hilaw. Mas epektibo ang hilaw sa pagtunaw ng taba. Sa halip na igisa ang isda sa kamatis, mas mainam na gumawa ng ensaladang kamatis. Paano? Ginayat na kamatis + sweet and spicy bagoong + sibuyas + tinadtad na manggang hilaw. Haluin. Dito isawsaw ang steamed fish.
- Latest