Ehersisyo mahalaga sa mental health
Maraming tao ang naglalaan ng oras na pumunta ng gym para gumanda ang kanilang cardiovascular health, mag-build ng muscle, at siyempre para gumanda rin ang pangangatawan. Pero alam n’yo ba ang pag-eehersisyo may magandang epekto rin sa ating brain. Ayon sa research, ang pagwo-work out ay may malaking benepisyo sa ating mental health para magkaroon ng healtier at happier na buhay.
Chemicals – Naglalabas ng endorphins ang katawan kapag pinagpapawisan mula sa ehersisyo. Nagbibigay naman ito ng magaan at masayang pakiramdam pagkatapos ng ehersisyo. Ayon sa research, ang exercise ay katumbas ng antidepressant pills kahit 30 minutes na pagpapapawis na pangtanggal ng depression o anxiety ng tao.
Brainpower – Ang cardiovascular exercise ay nagpo-produce rin ng bagong brain cells para ma-improve ang brain performance. Pinaniniwalaan na nakatutulong din ang work out sa mahalaga o simpleng decision making ng isang tao.
Kontrol – Ang utak ay naglalabas ng dopamine, isang reward chemical na sumasagot sa pleasure maging ito man ay sex, drugs, alcohol, o pagkain. Ang iba ay nalululong sa dopamine at dumedepende sa drugs o alcohol. Meron ding adik sa pagkain at sex.
Ang exercise ay epektibong pang-distract para mahilis ang cravings ng adiksiyon sa alak at ipinababawal na gamot. Ang alak ay sinisira ang proseso ng katawan. May oras din hindi makatulog kapag ‘di nakainom. May tao ring sobra naman ang tulog dahil lango sa alak.
Ang exercise ay makatutulong na ma-reboot ang body clock at maiayos muli ang normal na proseso ng katawan.
- Latest