Paano papayatin ang mukha?
Ang ating mga mukha ang unang nakikita, kaya naman dapat ay atin itong alagaan at lalong pagandahin pa.
Sa pagmi-make up, hindi lang basta powder at lipstick ang dapat ilagay, nauuso na kasi ang contouring o ang pagmi-make up para mas lumiit ang ating mukha, o magaya ang gustong hugis ng mukha.
Applicable ito sa mga may mahahabang mukha, (excuse me po) at pati na rin sa mga malalapad ang mukha (again, excuse me).
Kailangan lang ng dark eye shadow (brown, grayish brow), gaya ng nasa picture, pagkatapos maglagay ng paboritong make-up sa mukha, maglagay ng brown eyeshadow sa mga gilid ng ilong at sa paligid ng mukha (panga, taas ng noo, gilid ng kilay) pagkatapos ay i-blend ito gamit ang brush, maganda rin na maglagay sa pisngi (mula sa patilya hanggang sa malapit sa bibig) at i-blend para magmukhang payat ang mukha.
Magpraktis muna ng maraming beses hanggang sa ma-perfect mo na ang hugis ng mukha na iyong inaasam.
- Latest