Mabilis na Pagpapalamig ng Tsaa

1-Lumabas sa pag-aaral ng NASA (National Aeronautics and Space Administration), mas mainam na umidlip ng 26 minutes sa kalagitnaan ng maghapong pagtatrabaho upang manumbalik ang energy. Mas epektibo ito kaysa tumigil sa pagtatrabaho at uminom ng kape.

2-Kapag nagkaroon ng masamang amoy ang conventional oven dahil naiwan dito ang chicken or pork drippings na huling niluto: Tanggalin ang tray na may drippings. Hugasan. Maglagay ng tubig sa stainless bowl at haluan ng isang kutsarang cinnamon powder or 3 drops ng vanilla essence. Puwedeng gamitin pareho. I-on ang oven ng 10 minutes or hanggang kumulo ang tubig na may flavour. Presto, tanggal ang amoy panis. Bumango pa ang kitchen n’yo.

3-Mas tatagal ang “freshness” ng sandwich at hindi magiging “soggy” kung ibabalot muna ito sa paper towel or tissue bago ilagay sa plastic sandwich bag.

4-Kung ikaw ay nagmamadali at nais mong mabilis ang pagpapalamig ng kape or tsaa na sobrang init: Paghalinhinan mo itong isalin sa dalawang tasa nang paulit-ulit. Tingnan ang larawan.

 

Show comments