Italyano, sobrang banidoso
Naku, kung balak mong bumisita at mamasyal sa Italy, hindi maaaring maging walwal ka sa iyong pananamit at histura. Sobrang banidoso kasi ng mga Italian. Napakaimportante sa kanila ang hitsura, pananamit, at maging ang mga kagamitan at accessories na ginagamit. Fashionista sila wika nga.
Ang katagang “First impressions last” ay totoong totoo para sa mga Italian. Kahit hindi pa nagsasalita sa unang pagkikita, ina-asses na nila ang isang tao base sa hitsura nito. Kaya nilang alamin ang social status, family background at educational level sa pagkilatis lamang ng kasuotan at kung papaano mag-ayos ang kanilang taong kaharap.
Ang konsepto rin ng “bella figura” o good image ay sobrang mahalaga sa mga Italyano. Puhunan nila ito dahil ayaw nilang may masabi ang ibang tao sa panlabas na hitsura nila. Ang bella figura ay hindi lang nasusukat sa pananamit at pag-aayos ng isang tao. Mahalaga rin ang pagdadala ng sarili at kung paano i-project ang sarili. Dapat ay may magandang aura na ipinakikita sa taong makakaharap.
- Latest
- Trending