Pagluto ng pasta sa loob lang ng isang minuto!
Ilang tulog na lang at Pasko na. Kabi-kabila na naman ang mga handaan at Christmas party na ating paghahandaan. Bukod sa mga lutong Pinoy lalo na ang lechon baboy, isa sa mga paboritiong handa sa mga okasyon ang spaghetti.
Hinding-hindi ka magkakamali kapag spaghetti ang ihahanda mo. Bukod kasi sa puwede ito kahit ano’ng oras ng araw kainin - breakfast, lunch, o dinner, maging merienda, pasok na pasok din ito sa panlasa ng mga Pinoy.
Pero ang isa sa matagal lutuin ay ang pasta. Minsan, ito pa ang nalilimutang lutuin dahil ang kadalasang inuuna ay ang pagluluto ng sauce.
Sa mga senaryong madalian at kahit para mapabilis lang ang pagluluto, alam n’yo bang kayang maluto ang pasta sa loob lang ng isang minuto? Oo, isang minuto o animnapung segundo lamang ang kailangan at makapagluluto ka na ng pasta!
Ang kailangan lang gawin ay ibabad sa tubig ng ilang oras o mas maganda kung magdamag ang hilaw na pasta sa isang sealed bag. At presto, mabilisan nang maluluto ang pasta sa kumukulong tubig. Puwede ring diretso na itong ilagay sa nilulutong sauce sa palayok at hintaying maluto kasabay ng sauce.
Bongga ‘di ba? Kayo, try n’yo ang sikreto sa mabilis na pagluto ng pasta. Burp!
- Latest
- Trending