Pagkain ng saging nakakaalis ng lungkot
Mapa-hinog o hilaw at kahit ano’ng luto pa – prito, maruya, bananacue, turon, minatamis, o nilaga paborito nang merienda nating mga Pinoy ang saging. Hindi rin ito mawawala sa panghimagas sa bawat hapag ng pamilyang Pilipino. Ang nanay ko nga, hindi nalilimutang bumili ng saging at hinding-hindi mawawalan ang aming fruit basket ng prutas na ito. Naniniwala kasi siya na maganda ito sa puso at pampababa ng cholesterol.
Pero alam n’yo ba na ang saging ay hindi talaga isang prutas? Isang giant herb ang saging! Oo herb nga, at ito ang pinakamalaking namumulaklak na herbacious plant sa buong mundo. Ang bunga nga nito ay isang berry.
Isa pang nakamamangha, ay nakapagpapaganda ng mood ng tao ang pagkain ng saging. Ito lang kasi ang nag-iisang prutas na may amino acid, tryptophan at Vitamin B6 na kapag pinagsama-sama ay siyang nakatutulong sa katawan na mag-produce ng seratonin – ang natural chemical na nakaiiwas ng mental depression.
Kaya kung kayo ay malungkot, isang saging lang ang katapat ninyo at siguradong mag-iiba na ang mood n’yo.
Ang saging din ay isa sa mga masustansyang pagkain. Halos wala itong fat at very low ito sa calories. Kaya naman isa ito sa kinakain ng mga taong mahilig mag-diet. Nilagang saging na saba lang ang katapat ng mga gustong magpapayat! Bongga ‘di ba?
Bukod nga sa Vitamin B6, mataas din ang saging sa fiber at potassium. Meron din itong phosphorus, magnesium, calcium, iron, zinc, copper, selenium, at Vitamins A, B1, B2, C, E, K, Niacin at Panthothentic Acid! (Kaloka, parang walang katapusan ang mga bitaminang meron ang saging, huh!)
Kaya sa mga health conscious diyan, hindi kayo magkakamali sa pagkain ng saging. Burp!
- Latest