Bakit Hindi Dapat Mag-unan si Baby?
Hindi kailangang gumamit ng unan ng mga bagong silang na sanggol hanggang dalawang taon. Bakit?
1-Kadalasan ay unan ang nagiging dahilan ng suffocation or pagkainis.
2-Hindi niya maigagalaw nang malaya ang kanyang ulo kapag may unan.
3-Magiging dahilan ng pagpapawis ng kanyang ulo at leeg. Hindi maganda na naiinitan si Baby.
4-Delikadong mapilayan ang kanyang leeg.
5-Malaki ang tsansa na magkaroon siya ng “flat head syndrome”.
Narito ang ilang sleep-safe rules:
1-Mas mainam na natutulog si Baby nang nakatihaya kaysa nakataob.
2-Ibaling sa ibang posisyong ang ulo ni Baby, tuwing ika-dalawang oras upang maiwasan ang flat head syndrome. Ang tendency ng sanggol ay nakabaling ang ulo sa iisang direksiyon lang.
3-Ipuwesto ang crib ni Baby katabi ng iyong higaan.
4-Mas mainam na ang crib ay matibay, may malambot ngunit firm na kutson. Kung tag-lamig, mas safe na suotan siya ng pantulog na magbibigay sa kanya ng warmth kaysa patungan siya ng blanket. Delikado ang blanket na pumulupot sa katawan lalo na kung marunong na siyang gumapang. Sources: med.umich.edu, babycenter.com, whattoexpect.com
- Latest