^

Para Malibang

Stuck na sliding windows walang binatbat sa kandila

Pang-masa

Hindi lang sosyal tingnan ang mga sliding na bintana at pintuan, ito rin ay nakatitipid ng espasyo sa bahay. Pero sa paglipas ng panahon ay nagkakaroon ng mga problema ang mga sliding windows at doors. Isa sa mga ito ang pagkaka-stuck paminsan-minsan.

Nai-stuck ang mga sliding na bintana at pintuan dahil sa dumi o pinturang natutunaw dahil sa init ng panahon. Kung gawa naman sa kahoy ang bintana at pinto, nag-e-expand naman ito kapag nababasa.

Isa sa pinakamadaling paraan para masolusyunan ang stuck na sliding na bintana at pintuan ay ang silicone spray lubricant. Karaniwang mabibili ito sa mga hardware. Mag-spray lang ng tamang dami sa basahan at ipunas sa bintana at pintuan mapa-kahoy, plastik, o bakal man ito.

Pero paano kung wala kayong silicone spray lubricant? Kandila ang isa pa sa mga epektibong pampadulas ng stuck na sliding na bintana at pintu­an. Ang paraffin wax na gi­na­gamit sa paggawa ng kandila ang nagsisilbing pam­padulas sa mga ito. Maaari rin kayong guma­mit ng floor wax kung wala kayong kandila sa bahay.

Basta ba kulay puti lang na kandila at floor wax ang gagamitin para hin­di magmantsa sa inyong mga bintana at pintuan.

Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto ay maraming paraan!

ACIRC

ANG

BINTANA

ISA

ITO

KANDILA

KARANIWANG

KUMPUNERONG KUYA

MAAARI

MGA

PERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with