^

Para Malibang

Bawal ang dugyot sa Belgium!

Pang-masa

Kung hindi ka mahilig maglinis ng katawan at mag-ayos ng kagamitan, hindi ka babagay sa  bansang Belgium! Partikular kasi ang Belgians sa hitsura at kalinisan. Isa ito sa ipinagmamalaki ng kanilang bansa. Malinis sila sa kapaligiran, ultimo lumot sa kalsada ay kanilang pinandidirihan.

Karaniwang nakikita ang Belgians na naglilinis at naghuhugas ng kanilang tapat ng bahay at nagwawalis ng mga kalsada. Dahil nga pride ng kanilang bansa ang pagiging malinis. Hindi ba’t may kasabihan ngang “Cleanliness is Next to Godliness?”

Ipinagmamalaki rin ng mga taga-Belgium ang kanilang tahanan kahit gaano man ito kaliit o kalaki. Sinisiguro nilang presentable ang kanilang bakuran at garden. Kung may mga maduming hardin o kaya’y naghahabaan nang mga halaman, si­guradong kagagalitan ka ng iyong mga kapitbahay. Hindi lang ‘yan, kamumuhian ka rin ng iyong pamilya. Ganun sila kapartikular sa kalinisan.

Kahit sa pananamit at personal na hitsura ay hindi ka dapat dudungis-dungis sa Belgium. Sinisiguro nilang maganda ang kanilang kasuotan at hitsura at walang mapupuna sa kanilang pananamit.

ACIRC

ANG

DAHIL

GANUN

IPINAGMAMALAKI

ISA

KAHIT

KANILANG

KARANIWANG

MALINIS

SINISIGURO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with