A1 Braised Beef Dry Noodles ng Kanzhu authentic ang lasa!
Isa sa mga paboritong kainin ng mga Pinoy bukod sa kanin ay noodles, mapa-may sabaw man o wala. Impluwensiya ng mga Tsino ang pagkahilig natin sa noodles.
Ang rerebyuhin natin ay ang A1 Braised Beef Dry Noodles ng Kanzhu (hand-pulled noodles). Ang branch sa Maros Highway, Marikina ang pinuntahan ng inyong lingkod. Aliw ang restaurant na ito dahil saka lang nila gagawin at lulutuin ang noodles ‘pag nag-order ka na. Kaya makasisiguro kang fresh at bagong gawa ang noodles na kakainin mo. Nakakamanghang tingnan ang mga chef na gumagawa ng noodles sa kitchen nila na may glass panels.
Sa unang tikim, pamilyar ang lasa sa mga mahilig kumain ng pares. Ito agad ang pumasok sa isip ko sa aking unang subo. Malambot ang karne ng baka na malamang ay matagal pinakuluan. Makikita rin ang herbs at gulay na fresh dahil sa kulay at hitsura ng mga ito.
Siyempre ang noodles talaga ang pinakabida rito. Masasabing bagong gawa talaga ang noodles dahil “chewy” at hindi ito madaling maputol, tulad ng mga noodles na isine-serve sa mga fast food chain at ibang restaurants. Kakaiba ang experience sa bawat kagat ng noodles. Authentic Chinese noodles talaga ang lasa nito!
Hindi lang kamurahan ang A1 Braised Beef Dry Noodles na house specialty ng Kanzhu. Nagkakahalaga ang isang order nito ng P195 na pang-isang tao lang. Pero hindi ka magsisisi dahil sa authentic na lasa nga at masarap na bagong gawang noodles.
Subukan n’yo minsan ang experience ng pagkain ng bagong gawang noodles ng Kanzhu at siguradong mapapaulit kayo.
Ang Kanzhu ay may branches sa Quezon City (G/F Prince Jun Condominium, Timog Ave.); San Juan (G/F Citiplace Bldg, J. Abad Santos st.); Marikina (Unit 104 Nodison center, 9 Marcos Highway, Brgy. San Roque); SM City Manila, SM Super Center Pasig, SM North EDSA, at Ayala Fairview Terraces. Burp!
Para sa mga katanungan at suhestiyon maaaring mag-email sa [email protected].
- Latest