100 Greatest Cooking Tips (10)
55-Ang natirang tomato sauce o paste ay mainam na ilipat sa garapon. Lagyan ng cooking oil (bagong bili) sa ibabaw upang hindi magroon ng molds. Itago sa refrigerator.
56-Ilagay sa plastic bag ang natirang cheese bago itabi sa refrigerator para hindi tumigas.
57-Kung magluluto ng lasagna: Huwag bibili ng pasta na nagsasabi sa pakete na hindi na kailangan itong ilaga, sa halip ay diretso na itong inihuhurno. Ang magiging ending ng inyong lasagna ay hilaw na pasta.
58-Piliin pa rin ninyo ang lasagna noodles na pinakukuluan sa tubig kagaya ng spaghetti noodles.
59-Sa room temperature lang itinatago ang honey at hindi sa refrigerator.
60-Gumagamit ng kasubha sa pagluluto ng lugaw upang maging maganda ang kulay (yellowish) at magmukhang katakam-takam. Ngunit ang problema, ang kasubhang nakahalo sa lugaw ay sumasabit sa lalamunan. Para maiwasan ito, isangag muna ng 3 minuto ang kasubha. Ibabad sa mainit na tubig. Salain ang tubig. Ang tubig na sinala ang isama sa paggigisa. (Itutuloy)
- Latest