^

Para Malibang

Dumi ng beetle pampakintab sa kendi at mansanas!

Pang-masa

Katatapos lang ng Halloween at nalalapit na ang Kapasukuhan.

Patok na naman ang mga tsokolate at kendi sa mga bata. Malamang ay nakatanggap kayo kundi man ang bagets n’yo ng jellybeans sa pagti-trick-or-treat.

Pero alam n’yo ba na ang pampakintab na ginagamit sa jellybeans ay mula sa dumi ng bugs (insekto)? Oo, siguradong nakatikim ka na ng dumi ng insekto. Hahaha. Pero ‘wag ma­ngamba, itinutu­ring naman itong ligtas kainin ng tao.

Ang shellac o mas kilala sa tawag na confectioner’s glaze ay mula sa resin na idinudumi ng babaeng lac beetle. Ang lac beetle ay native sa mga bansang India at Thailand.

Ang resin ay karaniwang ibinebenta na nakaporma ng flakes at tinutunaw na lang sa denatured alcohol para maging liquid shellac. Ang liquid shellac ang ipinang-i-spray at ipinapahid pampakintab sa mga pagkain.

Ginagamit din ang liquid shellac sa paggawa ng pampakintab ng mga kahoy na ginagawang sahig at sa muwebles.

Ipinang-i-spray din ang shellac sa mga mansanas sa grocery pandagdag kintab at para mapanatili ang pagiging sariwa nito. May natural nang kintab ang bagong pitas na mansanas dahil sa natural waxy protection sa balat nito. Siyempre kung ibebenta ang mansanas, kailangan itong hugasan kaya sanhi ng pagkatanggal ng natural wax. Kaya naman iniispreyan ng shellac ang mga mansanas para maibalik ang outer skin protection ng prutas. ‘Pag hindi kasi naispreyan ng shellac ang mga mansanas na ibebenta, mas madali itong mabubulok.

Happy eating ng dumi ng beetle. Hahaha. Burp!

ACIRC

ANG

GINAGAMIT

HAHAHA

IPINANG

KAPASUKUHAN

KATATAPOS

KAYA

MGA

PERO

SHELLAC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with