Bukong-buko ang Husay ng Buko Juice
Fresh juice mula sa kabibiyak na shell ang tinutukoy dito at hindi ang ready to drink na nasa plastic bottle o cup. Inumin o gamitin kaagad dahil ang sustansiyang taglay nito ay mabilis mapanis.
1-Nagtatanggal ng hangover. Paghaluin ang 2 cups buko juice + 2-3 tablespoons lime or lemon juice.
2-Nagpapagaling ng mouth ulcer o singaw. Uminom ng buco juice bago kumain ng almusal at tanghalian. Gawin ito sa loob ng tatlong araw.
3-Pinipigilan na magkaroon ng kidney stone. Uminom ng juice dalawang beses isang araw. Mas epektibo ang juice mula sa ‘malauhog’ na buko.
4-Nagtatanggal ng pangangati dulot ng kagat ng lamok o langgam. Ipahid sa balat gamit ang bulak.
5-Magandang ipahid sa peklat sanhi ng acne at bulutong. Tatanggalin nito ang pangingitim. Mayroon itong vitamin C at natural skin lightening agent. Linisin muna ang mukha. Pahiran ng juice ang affected area. Pagkaraan ng ilang oras, maghilamos ng maligamgam na tubig. Mas matagal, mas mainam.
6-Nagpapalambot ng buhok. Imasahe sa anit 3 times a week.
7-Nakakatanggal ng dark circle sa mata. Pahiran ng juice araw-araw ang affected area.
- Latest