Pakikipag-eye contact sa Cambodia, hindi dapat basta-basta
Sampeah ang tawag sa pagbati sa Cambodia. Ito ay ginagawa rin bilang pagbibigay galang o pasasalamat, at paghingi ng paumanhin.
Ang tamang posisyon ng sampeah ay parang nagdadasal - magkadikit ang mga palad na nasa dibdib at nakaturo paitaas.
May limang lebel ng sampeah. Mas mataas ang kamay ay mas mataas ang pagbibigay galang. Ang una ay kalebel ng dibdib ang mga kamay, ito’y para sa mga kaibigan o kaparehas ng antas sa lipunan. Ginagamit din ito ng mga matatanda o may mataas na antas para sa mas mababa o mas bata sa kanila.
Ikalawa, ang dulo ng mga daliri ay kalebel ng bibig. Para naman ito sa mas matatanda o mataas na antas sa lipunan.
Ikatlo, ay kalebel ng ilong na ginagamit sa pagbibigay respeto sa mga magulang at tagabantay.
Ang ikaapat ay kalebel ng kilay. Ito’y pagbibigay galang sa mga monk at hari.
At ang huli ay mas mataas sa kilay na para naman kay Buddha at Brahma.
Sa Cambodia, hindi tama ang pakikipag-eye contact sa matatanda at mataas ang antas sa lipunan.
- Latest