100 Greatest Cooking Tips (8)
39—Mas magiging masarap ang tinola kung buko juice ang gagamiting pangsabaw sa halip na tubig.
40—Lagyan ng vetsin at asukal ang pinaksiw or adobo kung napasobra ang asim.
41—Kung napasobra ang alat ng nilagang karne: Dagdagan ng tubig at patatas. Ang patatas ang sisipsip ng alat. Ito rin ang magpapalapot ng sabaw sa kabila ng karagdagang tubig.
42—Sumasarap ang adobong manok sa gata kung dadagdagan ng pinya.
43—Mas mainam na boneless bangus ang gamitin sa pagluluto ng pinaksiw. Magkakaroon ito ng ibang level na linamnam kung bukod sa suka, dadagdagan ito ng instant sinigang powder. Or kung mas adventurous ka, dinurog na laman ng hinog na sampalok ang ihahalo sa halip na sinigang sampalok powder.
44—Masarap ang kalderetang may gata.
45—Magdagdag ng tomato sauce sa iyong dinuguan.
46—Ibang sarap ang mararanasan sa adobong pusit na may gata.
47—Manipis na slice ng beef ang gamitin sa paggawa ng tapa, yung ginagamit sa sukiyaki. Available ito sa SM supermarket.
- Latest