Baking soda sikreto sa mabilis na caramelized onions
Problema mo ba ang hindi pantay na pagluluto ng sibuyas? O kaya naman ay ang matagal na pagka-caramelize nito? May siyensya para sa mas mabilis at pantay na pagluto ng caramelized onions.
Marami ang nakaaapekto sa maillard reaction (caramelization) ng sibuyas pero ang dalawa sa malaking factors ay ang temperatura at pH. Para ma-achieve ang magandang pag-caramelize ng sibuyas, kailangang maging matiyaga dahil sa mahinang apoy ito dapat lutuin. Pero paano kung nagmamadali ka na sa pagluluto? Narito ang tip para sa mabilis na pagluto ng caramelized onions.
Hiwain nang pino ang sibuyas na gagamitin. Igisia ito sa kawali na nakasalang sa low heat lamang. Para sa mas mabilis na pagpapa-brown ng sibuyas, lagyan ito ng baking soda. Ang baking soda ay isang “base” na may mataas na pH at ang chemical reaction nito sa sibuyas ang siyang nagpapabilis ng pagkaluto nito.
Pero dapat ay hinay-hinay lang sa paglalagay ng baking soda. Ang tamang sukat ng baking soda ay hindi dapat lalagpas sa 1/4 teaspoon kada 1 lb. ng chopped onions.
Kapansin-pansin din na ang sibuyas na nilagyan ng baking soda ay mas malambot. Ito ay dahil ang pectin, na siyang chemical glue na nagpapakapit sa vegetable cells ay naghihiwalay sa mataas na pH.
Kaya mas mataas ang pH at paghihiwalay ng vegetable cells mas mabilis ang release ng chemicals. At ibig sabihin nito ay ang mas mabilis ang pagluluto.
Enjoy sa pagluluto ng caramelized onions. Burp!
- Latest