BFF o Mahal mo?
Dear Vanezza,
Ako po si Deb, 19 years old. Sobra po kaming close ng best friend ko. Higit pa po kaming magkalapit kaysa aking mga kapatid. Mayroon po kaming schoolmate na lalaki na type niya. May friend po kami na crush niya, pero ako ang nililigawan. Hindi ko naman po kasalanan kung ako ang niligawan. Napapansin ko po na lumalayo na ang bff ko sa akin. One time, tinangka kong kausapin siya at sinabihan niya po akong traydor. Ayokong masira ang friendship namin. Pero in love na po ako sa crush niya dahil nasa kanya ang mga katangiang hinahanap ko sa lalaki. Ano po ang gagawin ko?
Dear Deb,
Sa kaso mo, dapat mong timbangin kung mas mahalaga ba ang BFF o ang manlilgaw mo? Kung tatanggapin mo ang iyong suitor mo siguraduhin ang nararamdaman mo ay true love. Masakit mawalan ng kaibigan. Kung talagang mahal mo yung guy, tanggapin mo siya, tanggapin mo rin ang pagkawala ng BFF mo. Wala ka namang kasalanan dahil ikaw ang unang niligawan ng guy. Lilipas din ang galit niya, pero kung hindi man, hindi ka dapat makonsensiya dahil wala ka namang ginawang masama.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest