^

Para Malibang

Delikado ba ang Deodorant at Antiperspirant?

ABH - Pang-masa

Sabagay, mabuti nang makipagsapalaran sa paggamit ng deodorant kaysa naman magkaroon ng anghit. Mas lalong delikado iyon. Babaho ka na, lagi ka pang pupulutanin ng mga tsismosa. Pero bakit nga ba sinasabing hindi ligtas na gumamit ng deodorant at antiperspirant?

Mayroon itong propylene glycol na nagiging sanhi ng pangangati ng balat. Ang propylene glycol ay isang neurotoxin na makakaapekto ng central nervous system. Ang stick deodorant ang nagtataglay nito.

Puwedeng pagmulan ng dementia, Alzheimer’s di­sease at asthma. Mayroon itong aluminium na iniuugnay sa mga nabanggit na karamdaman.

Mayroong parabens na nagiging sanhi ng hormonal imbalance kagaya ng  irregular na dating ng menstruation. Parabens ang nagsisilbing preservative. Ito ay nakalista sa ingredients bilang: propylparaben, methylparaben, ethylparaben or butylparaben.

Ang pawis ay dumi ng katawan na dapat ilabas. Pero kung gagamit ng anti-perspirant, hahadlangan nito ang butas ng balat para magpalabas ng pawis. Kapag ang mga duming ito ay naipon sa katawan, sisirain nito ang cells na pagmumulan ng cancer.

Panahon na para bumalik sa basic na paraan ng pangangalaga ng katawan—ang paggamit ng natural, chemical-free deodorant, ang katas ng kalamansi. I swear, sa maikling panahon, puputi pa ang iyong kilikili!

ACIRC

ANG

BABAHO

ITO

KAPAG

MAYROON

MAYROONG

PANAHON

PARABENS

PERO

PUWEDENG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with