^

Para Malibang

Naghahanap ng ibang forever

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

May ka-live-in po ako at magta-tatlo na ang aming anak. Ang problema po hanggang sa kasalukuyan ay hindi ko pa rin matiyak na siya na ba talaga ang forever ko hanggang kami ay tumanda. Maging ang aking pamilya ay paulit-ulit na tinatanong ako kung ano na ang plano sa kinakasama ko. Hindi ko pa ito masagot hanggang ngayon. Hindi ko gustong maging unfair sa kanya at sa  3 naming anak. Ang natitiyak ko po ay hindi ko kayang dayain ang sarili ko. Maging ang pamilya ng partner ko ay naghihintay din kung kelan kami ikakasal. Nalilito na po ako kung ano ang gagawin ko. - Alvin

Dear Alvin,

Naka-3 anak ka na sa kinakasama mo pero wala kang katiyakan kung gugustuhin mong bigyan ng pangalan ang mga bata. Sana nagpakasawa ka muna sa pagiging binata bago ka pumasok sa pagkakaroon ng anak. Dahil hindi ikaw ang nalugi kundi ang babae, lalo na ang inyong mga anak. Kung tutuusin wala ka na sa estado ng pamimili kung ano ang dapat mong gawin. Ang kailangan mong gawin ngayon ay kumilos para mapanindigan ang iyong ginawa. Oras na para magpakalalaki ka. Panagutan mo siya at isipin ang future ng mga bata.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

ALVIN

ANG

DAHIL

DEAR ALVIN

DEAR VANEZZA

KUNG

NAKA

NALILITO

PANAGUTAN

SANA

SUMASAIYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with