Gaano ka-insecure ang partner mo?
Lahat ng indibiduwal ay hindi nawawalan ng insecurities at normal lang naman ito sa isang tao. Pero may partner na grabe ang nararamdamang insecure sa katawan na panira ng masaya sana ninyong relasyon. Alamin kung sobrang insecure ang dyowa o partner mo, na narito ang ilang points:
Tamang hinala- Lagi siyang naghihinala na ikaw ay nagloloko. Aakusahan kang naglalandi kahit kanino, lalo sa ibang tao na mas may mukhang may appeal sa kanya. Hindi dahil sa wala siyang tiwala sa iyo pero dahil higit ang problema sa nararamdaman niyang sariling kakulangan.
Big deal – Kailangan makita at makausap ka niya araw-araw. Ilang minuto pa lang kayo naghihiwalay sa date ninyo nagsisimula na siyang maging feeling obsessed sa iyo. Papa-guilty effect pa na kapag hindi ka nagbigay ng time na makasama o makausap siya.
Mood- Ang pressure ng kanyang mood ay nakadepende sa iyo. Gusto niya from time to time ay sinisigurado niyang mahal at in love ka pa rin sa kanya. Kapag hindi, naku madi-depress at malulungkot nang sobra ang partner mo.
Sensitive – Ang insecure na tao ay sobra kung makapintas. Kasi nga mababa ang kanilang self-esteem. Hindi nila kayang dalhin kapag sila ang pinintasan o sinisisi. Kapag nanghihingi ka ng space sa kanya, maglilintanya ito na keso talagang ayaw mo sa kanya at naghihintay ka lang ng tamang panahon na i-break siya.
Stalker - Updated siya sa mga pino-post mo sa social media at kapag nag-post ka ng lines magagalit ito bakit hindi muna siya sinabihan.
Cell phone- Hindi man niya tintanong kung sino ang nag-text, pero nakalingon agad kapag tumunog ang CP mo. Panay din ang silip kahit tsini-check mo lang ang email o nagti-text ka lang sa kaibigan mo.
Insecure – Panay ang kuwento ng kanyang ex na siya raw ang biktima at siya raw ang niloko ng past relationship niya. Maaaring totoo, pero ang dahilan ay talaga insecure siya. Ikaw naman ay makikisimpatya, kaya nagbibigay warning ito sa iyo na hindi dapat siya hinihiwalayang gf o bf.
Break-up game- Aba malakas ang loob niya na manakot na iiwan o makikipag-break sa iyo. May hugot lines pang hindi mo raw siya talaga mahal. Hindi niya talaga gusto makipaghiwalay, trip lang niyang mabuo ang kanyang ego sa pagmamakaawa mo sa kanya na huwag ka niyang iwan. Sinusubukan niya ang devotion mo sa kanya at nagde-demand ito na kailangan mo talaga siya.
Kapag hindi na healthy ang relasyon at pagod ka na sa mga kadramahan at paglalaro niya, aba iwanan mo na sa susunod na tatakutin ka pang niyang makipaghiwalay sa iyo.
- Latest