^

Para Malibang

Maling akala sa promotion na hinihingi

Pang-masa

Kumpara sa nakalipas na dekada mas marami nang workload ang mga karaniwang empleyado ngayon.  Mas mataas na rin ang hinihinging competition, madalas hindi lang college degree ang hinahanap na requirement kundi marami na ang nagma-master ng kanilang expertise ng  field na ginagalawan dahil sa mataas na hamon na kailangan sa business.

Kasunod nito ang hina­hanap na promotion ng isang empleyado. Pero maraming common na maling hakbang sa hinihinging promotion:

Demand- May mga empleyado na sobra kung makahingi ng agad-agad na promotion, sahod, bagong privileges  aba eh kung  sabay-sabay ang demand hindi ito posible. Siyem­pre madidismaya rin agad ang boss.  Dapat alam mo muna ang priorities at abutin din ang pamantayan ng opisina.

Merit – Kung ikaw ang tipo ng career minded at gusto agad umakyat sa susunod na hakbang,  aba hindi lahat ng kompanya ay merit points system. Importanteng  maintidihan muna  ang corporate culture para makapokus sa gustong  posisyon at gawin ang trabaho nang buong husay.

Long term goal-  Marami ang nakapokus sa isyu ng promotion at nakalimutan na ang long term na plano ng career path na pupuntahan. Tanungin ang sarili kung sa loob ng 5 to 10 years ano ba talaga ang gusto mo sa career mo?

Trying hard – Lahat ng bagay ay may sinusunod na work of ethics kaya huwag kang lalampas sa linya dahil may negative effect  ito sa career mo. Magpokus ka lang sa sariling  trabaho, simple, dahan-dahan kesa naman sa nakatatawag ka nga ng pansin sa boss pero naiinis naman siya sa sobrang epal mo.

Timing – Siguraduhin ang tamang venue ng discussion sa iyong boss. Mag-set ng advance schedule. Sa research, huwag nakipag-mee­ting ng pre-lunch o bago mag-uwian ng office hours. Kadalasan kasi busy o nagmamadali na ang mga boss sa kanilang hectic na schedule.

ACIRC

ANG

DAPAT

IMPORTANTENG

KADALASAN

KASUNOD

KUMPARA

LAHAT

MAGPOKUS

MARAMI

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with