Anik-anik sa bag masama sa kaawan
Sumasakit ba balikat mo? Hindi kasi aware ang karamihan sa mga babae na maraming laman ang bag ng mga kakaibang bagay na nagpapabigat lang ng laman nito. Bukod kasi sa mga gamit na kailangan lang pero hindi natin namamalayan na gabundok na ang items sa loob ng bag ng mga kababaihan:
Salamin- Hindi mawawala sa secret compartment ng bag o purse na nakasingit ang maliit na salamin.
Chocolates – Gustung-gusto ng mga babae ang magdala ng maliliit na tsokolate sa bag na kinakain na madalas hindi isini-share sa iba.
Spray – Trusted friend ang cologne o perfume sa mga kababaihan.
Reseta – Kahit nga expired na ang date ng reseta, at ilang klase nang prescription medicine nandiyan pa rin sa loob ng bag.
Sanitizer – Alam mo naman ang babae masyadong malinis kaya hindi rin ito nawawala sa bag.
Resibo – Hindi napapansin na kahit luma at punit-punit na resibo ng mga bills pero hindi pa rin natatapon, kaya nakatiklop pa itong nakasingit sa mga bags.
Note pad- Gustung-gusto ng mga babae ang nagsusulat ng kung anu-ano kaya read agad ang note sa bag with matching ballpen siyempre.
Reading glasses- Hindi nga lagging suot pero bitbit lang sa loob ng bag.
Marami pang laman ng bag na pang kikay ng mga babae ang hindi nabanggit. Ang mahalaga ay bawasan ang items kapag may time para magaan lang din ang pagbitbit ng bag sa araw-araw.
- Latest