Ang Office na may Good Fengshui
1-Regular dapat ang korte ng buong opisina.
2-Maluwag at maaliwalas ang reception area.
3-Ang desk lalo na ang sa executives at managers ay dapat na malaki at malapad. Ang sandalan ng upuan ay dapat na mataas at may arm rests. Ang ganitong yari ng upuan ay nagpapahayag ng awtoridad.
4-Kung regular ang shape at layout ng opisina, ito ay magdadala ng financial fortune sa kompanya. Magiging harmonious ang relasyon ng mga empleyado; at magdadala ng healthy environment, kaya mababawasan ang absences dulot ng pagkakasakit.
5-Kung may beam sa opisina, iwasang pumuwesto sa tapat nito. Isa pang dapat iwasan ay mapatapat sa nakaumbok na kanto ng poste dahil nagdudulot ito ng poison arrow.
6-Kung ang korte ng isang kuwarto sa opisina ay hindi regular, makokontra ang bad energy sa pamamagitan ng paggamit ng maliliwanag na bombilya.
7-Iwasang ibigay sa manager ang kuwartong may irregular shape dahil ang epekto nito ay mamaliitin ng kanyang mga tauhan ang kanyang kakayahang mamuno kaya mabibigo siyang i-exercise ang kanyang awtoridad.
- Latest