NSC hindi napataob ni Lando
Ngayong araw ang pagtatapos ng matagumpay na 23rd National Student Convention ng School of Tomorrow Philippines na ginanap sa Subic Bay Free Port Zone mula Oktubre 18-23, 2015 na may theme na For Such A Time As This - Esther 4:14.
Ang NSC ay dinaluhan ng mga high school students na umabot ng mahigit 2,000 delegates mula sa 100 na iba’t ibang eskuwelahan nationwide kasabay ang paghagupit din ng bagyong Lando at dumanas din ng lindol ang nasabing event.
Pagmamalaki nga ni Ms. Lora Lee Hoogie ng SOT, bukod tanging ang taunang NSC lang ang sabay-sabay na ginagawa ang competition mula academics, music, platform, arts, at sports game sa bansa. Hindi pa kasama ang needle trends, wood, collections, photograpy, at iba pang events. Ang bawat na nabanggit na categories ay meron pang sangay tulad ng sa sports pa lang ay meron nang pagpipiliang game tulad ng soccer kick, shot put, long jump, physical fitness, volleyball, basketball, discuss throw, at tchoukball na pinagpiliang competition.
Ang tchoukball ay bagong game sa NSC na siya namang sumisikat na laro sa buong Asia na meron nang competition sa Taiwan at Malaysia. First time rin sa NSC na may sumaling 13 teams. Nagsimula ang sports ng tchoukball mula sa Sweden na sinimulan naman sa bansa sa Bacolod. Meron din tayong certified na walong referees ng tchoukball sa ‘Pinas. Bale ba ang mananalo sa tchoukball game ng NSC ay posibleng lumaban sa ibang grupo na ang mananalo naman ay puwedeng ilaban sa Olympics.
Tuwang-tuwa naman si Sir. Delbert Hoogie ng SOT dahil gabi-gabi ay maraming estudyante ang lumalapit sa altar call pagkatapos ng rally night kung saan meron din preaching dahil sa NSC ay ibinabalanse ang competition at spiritual na pangangailang ng mga estudyante.
- Latest