Sikreto ng moist cookies
Hindi ba’t wala nang sasarap pa sa bagong bake na cookies dahil moist at malambot ito? Eh paano kung malakipas lang ang ilang araw ay sintigas na ito ng bato? Wala na bang paraan para maiwasan ang pagtigas ng cookies?
May dalawang sikreto akong ibabahagi sa inyo para mapanatiling malambot at masarap ang cookies, mapa-bagong bake o bili n’yo sa paboritong bakery. ?Ang unang paraan ay ang paglalagay piraso ng tinapay kasama ng cookies. Sa isang plastic na lalagyan, ayusin lang ang cookies by layer. Lagyan ng wax paper ang pagitan ng bawat layer ng cookies. Sa pinakahuling layer ay lagyan uli ng wax paper at saka magpatong ng piraso ng tinapay at saka isara ang container. Sisipsipin ng cookies ang moisture mula sa piraso ng tinapay. Kapag matigas na ang tinapay o kaya’y tuyot na, palitan lang ito ng bago. Siguraduhing may wax paper ang pagitan ng cookies at tinapay dahil magiging parang puding ang tinapay sa lambot! Kadiri ‘di ba?
Isa pang paraan ay ang paggamit naman ng paper towel. Sa isang airtight container naman, ilagay sa isang side ang cookies. Kahit wala nang wax paper at patung-patong na. Sa kabilang side naman ay maglagay ng basang paper towel. Tulad ng sa tinapay, sisipsipin din ng cookies ang moisture mula sa basang paper towel. Palitan lang ang paper towel kung tuyo na ito. ‘Wag din hahayaang magdikit ang paper towel at cookies.
Ngayong alam mo na ang sikreto sa moist na cookies, hindi ka na masasayangan at siguradong mai-enjoy mo ito hanggang sa huling piraso. Burp!
- Latest