May kawerduhan ka bang phobia?
Marami ang kakaibang kawerduhan ng phobia ang iniiwasan ng mga tao sa buong mundo. Basahin ang mga nakatutuwang phobia ng tao:
Bibliophobia – May excuse ka kung ayaw mong magbasa ng libro o ayaw mong gawin ang assignment mo sa bahay o sa eskuwelahan. Ang taong takot sa libro ay tinatawag na Bibliophobia.
Chrmatophobia – Merong mga taong takot sa pera at ayaw humawak nito sa kanilang mga kamay.
Defacaloesiophobia – Kapag takot o ayaw na nahihirapan magdumi. Kaya dapat ay kumain ng mas maraming gulay o fiber para mas madali ang iyong pagbabanyo.
Erythrophobia –Takot ka ba o nag-aalangang tumawid kapag nakikita ang red light? Kung bigla kang napapapreno at hindi dahil sa ayaw mo ng red light na ang ibig sabihin ay stop. Dahil ang totoo ikaw ay takot sa red light ng traffic light sa kalsada.
Frigophobia – Ito ang mga taong umiiwas sa malalamig tulad ng iced beer, slurpee, ice cream, ice candy, o snow dahil kasi takot kasi sila sa malamig na inumin o klima.
Ideophobia – Maraming bata ang nabu-bully dahil hindi sila makasagot kapag tinatanong ng mga teacher sa klase. Hindi dahil sa nahihiya sila o hindi nila alam ang sagot. Pero dahil takot sila sa pag-iisip ng “idea”.
- Latest