Tips sa panahon ng bagyo
Kapag nawalan ng kuryente, tandaan lang ang mga sumusunod na safety tips sa panahong humahagupit ang bagyo:
Safety kit- Hindi kailangang hintayin ang bagyo o sakuna at saka ka pa lang maghahagilap sa ganitong panahon. Dapat laging nakahanda na ang mga ito at alam ng buong pamilya kung saan kukunin in case of emergency lalo na kung bagyo.
Manatili sa bahay- Huwag lalabas ng bahay sa kasagsagan ng unos. Delikado na tamaan ka ng kidlat o madala ng malakas na hangin. Siguruduhin ding naka-unplug ang mga computer.
Flashlight - Ito ang gamitin sa halip na kandila. Mapanganib kapag nagsindi ng kandila kapag bumabagyo. Mas madaling magkasunog kapag hindi ito nabantayan. Para iwas sa kapahamakan mas mainam na flaslight na lang ang gamitin.
Appliances - Huwag magbubukas ng refrigerator or freezer kung hindi kailangan. Habang nakasarado ang ref, mas tatagal na naka-frozen ang mga karne o pagkain sa loob nito.
Power- Kapag nawalan ng kuryente, ipagbigay alam agad sa mga kinauukulan sa inyong lugar. Kung maagang malalaman ito ng Meralco na wala kayong power ng kuryente sa iyong nasasakupan, mas maaga rin nilang maaayos ang linya sa inyong lugar.
Kalan - Huwag din gagamitin ang pagsindi ng gastove o kalan kung nilalamig ka. Kapag ginamit mo ang kalan makakalanghap ka ng carbon monoxide na masama sa kalusugan. Sa halip ay magtalukbong na lang ng kumot at patayin ang electric fan o aircon.
Generator- Huwag paglaruan ang mga generator o heater. Delikado ang mga nasabing equipment kaya ilayo ito sa mga bata.
Power line - Maging alisto rin sa mga linya ng kuryente kapag maglilinis sa labas ng bahay sa pag-aalis ng mga naputol na puno, bumaksak na mga kahoy, o yero.
- Latest